PANOORIN: 1-YEAR ACCOMPLISHMENT REPORT
Magandang tanghali po, Tarlac City!
Narito po ang Accomplishment Report ng Pamahalaang Lungsod sa loob lamang ng ating unang taon sa panunungkulan bilang bagong alkalde ng lungsod ng Tarlac.

Sulyapan natin ang mga naging kaganapan sa OATH-TAKING/INAUGURAL CEREMONY OF THE NEWLY ELECTED OFFICIALS OF TARLAC CITY 2019 na kung saan pormal nang nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng lungsod ng Tarlac noong ika 29 ng Hunyo.

Kauna-unahang Angel Care Animal Bite Center at Tarlac City Pasalubong Center binuksan na!

Ipinahayag nang panalo si Mayor Cristy Angeles ngayong Halalan 2019 na may kabuuang boto na 112,246 sa siyudad ng Tarlac. Buong puso niyang pinasalamatan ang lahat ng hindi bumitiw sa sa patuloy na laban para sa mas maunlad na lungsod at para sa isang malinis na pamumuno at tunay na serbisyong publiko na nararapat na ihandog sa bawat mamamayan nito.

Ang Ama ng Lungsod ng Tarlac, TATANG APING YAP
Sama-sama po nating kilalanin ang FATHER OF CITYHOOD na siyang natatanging responsable kung bakit naging component city ng probinsya ang dating munisipalidad ng Tarlac.

Kaisa Convention Hall pinasinayaan, suporta kay Mayor Cristy bumuhos
Sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles, buong pagmamalaking pinasinayaan ang bagong tayong Kaisa Convention Hall na siyang nagsisilbing patunay na ang kaban ng bayan ay nagagamit ng wasto, na ito’y naibabalik sa taumbayan at natutupad ang kanyang adbokasiyang makapagbigay ng mas qualidad na mga pasilidad at kagamitan na maaaring gamitin ng bawat Tarlaqueño.

Waterlily Handicraft Weaving and the Citronella Propagation and Extraction Program
Bilang ina ng ating lungsod, tuloy tuloy adbokasiya ni Mayor Cristy Angeles na makapaghandog ng mga programa na maaaring maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat mamamayan sa lungsod. Iilan sa mga programa na binuo ay ang waterlily handicraft weaving at ang citronella propagation and extraction program na may layong makapagbigay ng hanapbuhay lalo na sa mga kababaihan at PWDs.

Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) meet 2019

Ikinararangal ng Siyudad ng Tarlac ang lahat ng estudyanteng lumahok sa nakalipas na CLRAA 2019. Lubos na nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaan sa inyong pagbibigay ng oras, lakas, at sakripisyo ang inyong dedikasyon ay hinding hindi matatawaran upang ipamalas sa buong rehiyon ang tunay na Atletang Tarlakenyo!

Angel Care Lingap Anghel Balik Eskwela Program 2019
Ating tunghayan ang pagtutuloy ng Angel Care Balik Eskwela Program ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cristy Angeles!

Kaisa Womens Organization 2019

Sa kanyang hangarin na mabigyan ng boses at kakayahan ang mga kababaihan, itinatag ni Mayor Cristy Angeles ang Kaisa Women’s Organization (KWO). Layunin nitong sanayin at bigyan ng ayuda ang mga tarlaquena sa pamamagitan ng livelihood programs nang sa gayon ay mas maging matatag ang kanilang pinansyal na estado. Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit kumulang 7000 na miyembro ang nasabing organisasyon na buong pusong sinusuportahan ang ina na lungsod at patuloy na nadadagdagan ang mga miyembro dahil na rin sa pagsisikap at pagkamatapat ni Mayor Cristy.

Angel Libreng Sine Handog kay Lolo at Lola

Bunga ng pagsisikap ni Mayor Cristy Angeles, Vice Mayor Aro Mendoza at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsodm matagumpay na nailunsad ang “Angel Libreng Sine Handog kay Lolo at Lola.” Natatamasa na ngayon ng mga senior citizens ang karagdagang benepisyong handog ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang SM City Tarlac at Magic Star Mall.

Tarlac City 21st Cityhood Anniversary

Tunghayan ang mga pangyayari ng 21st Charter Anniversary ng Lungsod ng Tarlac!