TARLAC FILIPINO CHINESE VOLUNTEERS FIRE BRIGADE INC. AT ROTARY CLUB OF MIDTOWN TARLAC NAMAHAGI NG MGA RESCUE AND SAFETY EQUIPMENT

Namahagi ng mga rescue at safety equipment ang Tarlac Filipino Chinese Volunteers Fire Brigade Inc. at Rotary Club of Midtown Tarlac sa Pamahalaang Lungsod ng Tarlac, ngayong araw ng Lunes, ika-15 ng Hulyo.

Apatnapung(40) Adult Life Vests, 20 child life vests, 6 crow bar tools, 6 heavy duty shovels, rescue harnesses at hard hats ang mga donasyong tinanggap mismo ni Mayor Cristy Angeles. Malaking ang maitutulong ng mga ito sakaling magkaroon ng sakuna.

Nagpaabot ng pasasalamat ang Punong Lungsod sa kabutihang ipinakita ng mga magigiting na fire volunteers at ng nasabing Rotary Club ng lungsod. Napapanahon ang pamimigay na ito dahil ang buwan ng Hulyo ay tinaguriang National Disaster Resilience Month.

Leave a Reply

Your email address will not be published.