Dahil sa inisyatibo at pagsusumikap ng butihing Mayor Cristy Angeles at ng mga department heads, nakaabot ang Pamahalaang Lungsod sa National Validation ng Seal of Good Local Governance (SGLG) na siyang nagsisilbing patunay na naihahatid ang nararapat at kalidad na serbisyong publiko sa bawat mamamayang Tarlaqueño.

Pagkatapos ng 228 taon ay nagkaroon na sa wakas ang Siyudad ng Tarlac ng pagkakataon na makuha ang parangal na ating kung inaasam-asam at kung papalarin ay kauna-unahang makakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac simula noong ito’y unang inilungsad.

Ang SGLG o ang Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal ay isa sa mga parangal na iginagawad sa mga Local Government Units (LGU) kung saan napatunayan na patuloy ang kanilang kasanayan sa mabuting pamamahala sa kanilang siyudad o munisipalidad habang naghahatid ng mataas na kalidad na serbisyo sa publiko

Upang maging karapat-dapat na maging kalahok sa SGLG, ang LGU ay kailangang makapasa sa tatlong core assessment areas na inilatag ng Department of Interior and Local Government: Nahandugan ng Good Financial Housekeeping, Social Protection and Disaster Preparedness, at isa sa mga essential assessment areas – Business-Friendliness and Competitiveness, Peace & Order or Environmental Management na kung saan ito’y napasa na ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa Regional Level of Assessment sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles.

Leave a Reply

Your email address will not be published.