Alinsunod sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles, pinulong ni City Administrator Atty. Numer Lobo ang mga Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng bawat barangay ng lungsod nitong Septiyembre 4, 2019.

Idiniin ng Administrador na kailangan ang partisipasyon ng mga kabataan sa adbokasiya ng lungsod: Disiplinado Ako, Lungsod Ko, Linis Ko, tungo sa mithiin na “Tarlac City, Clean City”. Isa sa mga tungkulin na ibinigay ay ang pagpapanatili ng kalinisan ng mga covered courts sa kani-kanilang mga barangay, at pag-implementa ng disiplina sa mga gumagamit nito.

Inaasahan din ang aktibong partisipasyon ng kabataan sa regular na clean-up drive at iba pang aktibidad pangkalinisan sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published.