Anim (6) na mga Badjao ang binigyan ng angkop na tulong ng Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng Tarlac City Social Welfare and Development Office, na natagpuan sa lansangan ng Brgy. San Miguel. Napag-alaman na sila ay mula sa Angeles City at narito sa lungsod upang manghingi ng limos. Sila ay naihatid sa kanilang mga tirahan.
Pinaaalalahanan ang publiko na ayon sa PD 1563 o ang “Mendicancy Law of 1978”, ipinagbabawal ang pagbibigay sa mga naghihingi ng limos na may kakayahang maghanap-buhay at mga menor de edad na ginagamit sa nasabing gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published.