Ang mga motorista ay pinatatabi muna sa kanang gilid kapag binabagtas ang national highway upang ipaalala ang mga sumusunod:

1. Rehistrasyon ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO);

2. Pagkakaroon ng kita at malinaw na “license plate” para sa pagkakilanlan;

3. Pagmamaneho ng hindi lalagpas sa itinakdang bilis;

4. Isang angkas o back ride lamang sa isang motorsiklo;

5. Ang nagmamaneho at angkas nito ay dapat may suot na helmet na rehistrado mula sa Department of Trade and Industry (RA 10054);

6. Ang sasakyan ay dapat may kumpletong head light, tail light, signal light, brake light at busina;

7. Ang mga nakasakay ay may suot na “close shoes”. Ang sandals at tsinelas ay ipinagbabawal;

8. Bawal ang paggamit ng cellphone at iba pang katulad na device habang nagmamaneho;

9. Bawal ang “lane splitting” o pagdaan sa pagitan ng mga sasakyan sa tuwing mabagal ang daloy ng trapiko;

10. Ayon sa RA 10666, ang bata ay bawal sumakay sa motorsiklo na dumadaan sa mga lansangan na may madami at mabilis na mga sasakyan, maliban kung ang bata ay may kakayahang tumapak sa “foot peg” ng sasakyan; kayang gamitin ang kamay upang humawak ng mabuti sa nagmamaneho; may suot na helmet; at nangangailangan ng mabilisang atensiyong medikal.

Ang Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng Public Order and Safety Office (POSO) at City Transport & Traffic Management Office ay may awtoridad na patigilan at inspeksiyunin ang bawat motorista na bumabagtas sa lansangan ng siyudad, kabilang ang national highways, upang tignan kung mayroong paglabag ang mga ito sa umiiral na batas trapiko at ordinansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.