Matiyagang nilinis ng City Environmental and Natural Resources Office(CENRO) at mga opisyal ng barangay, sa utos ni Mayor Cristy Angeles, ang mga nadiskubreng illegal dumspsites sa Barangay San Carlos at San Manuel.

Matatandaang kamakailan ay may nahuli sa aktong walang habas na nagtatapon dito ng basura. Ngayon ay hindi na kakikitaan ng kalat ang dating tambakan ng basura.

Pinagsabihan na rin ang mga opisyales ng nasabing mga barangay na maging mapagmatyag upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa kanilang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.