HEAD START MONDAY

Ngayong araw, ika-5 ng Agosto, ay ginanap ang lingguhang flag-raising ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac, sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles, na punong puno ng pagpupugay dahil sa matagumpay na pagganap ng Clean-Up Drive na nilahukan ng mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod noong ika-3 ng Agosto.

Nagkaloob din ang Ina ng Lungsod ng mga Angel Negokart na siyang mapagkakakitaan ng mga benepisyaryo ng programa

Kinilala naman ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), sa pangunguna ng kanilang head na si Hensel Quiling, bilang over-all champion sa 1st Kalasag Response and Rescue Challenge ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac

Pinarangalan din sina John David Candelaria at Raven Lance Abagat bilang kampeon sa Muay Thai Ultimate Knockout Challenge na ginanap noong Hunyo 1 sa ParaƱaque City at si John Paul Dela Rosa na tumanggap ng Foreign Language Teaching Assistants (FLTA) Grant sa Estados Unidos para sa taong 2019-2020

Leave a Reply

Your email address will not be published.