ANGEL CLEAN UP DRIVE

Maaga palang ay dumagsa na ang mga kawani ng City hall sa Kaisa Convention Hall bitbit ang kani-kanilang mga walis ting-ting. Bilang bahagi ng Angel Clean UP Drive, binaybay nila ang iba’t ibang bahagi ng Metro Tarlac upang walisin ang mga nakakalat na basura.

Nanguna sa paglilinis si Mayor Cristy Angeles kasama pa ang mga Kapitan ng barangay. Agad na inakyunan ni Mayor Angeles ang mga napuna niyang problema habang naglilibot. Nagpaskil din siya ng mga poster ng “Disiplinado ako, lungsod ko linis ko” para hikayatin ang komunidad na makiisa sa kampanya para sa kalinisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.