Ngayong ginugunita ang kabayanihan ni Ninoy Aquino na nag-alay ng kanyang buhay para sa bayan, ang ating mga kawani at opisyal naman ay piniling ialay ang kanilang oras sa paglalagay ng mga posters na nagbibigay babala sa lahat ng traysikel drayber na gagamit ng mga pangunahing kalsada ng lungsod.

Ayon kay Atty. Lobo, ang Administrador ng Syudad, sa darating na mga araw ay aasahan na ng publiko na paiigtingin pa ng POSO ang pagpapatupad ng batas trapiko sa buong lungsod.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles na linisin at ayusin ang lahat ng kalsada ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published.