Libreng gamot mula sa Angel Care Pharmacy para sa Taumbayan ng Lungsod ng Tarlac PROSESO PARA MAKATANNGAP NG LIBRENG GAMOT

  • 1. Magtungo sa inyong baranggay dala ang alinmang valid ID at kumuha ng Certificate of Indigency.
  • 2. Alamin kung saan nabibilang na CITY HEALTH CENTER ang inyong barangay.
  • 3. Pumunta sa tamang CITY HEALTH CENTER at magpakonsulta sa opisyal na doktor na itinalaga doon.
  • 4. Tanging ang reseta na manggagaling sa doktor ng CITY HEALTH CENTER lamang ang tatanggapin.
  • 5. Dalhin ang tatlong requirements sa pagpunta sa ANGEL CARE PHARMACY na matatagpuan sa pangalawang palapag ng TARLAC CITY HALL.

a. Any Valid I.D. (Voter’s ID, Senior’s Citizen ID, Police Clearance, Driver’s License, Passport, Postal ID) na Tarlac City ang address

b. Reseta galing sa inyong City Health Center Doctor

c. Certificate of Indigency

Ang programang ito ay bunga ng pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles.

Leave a Reply

Your email address will not be published.