-->

Ika-limang Anibersaryo ng AFP at PNP retirees


Binigyang pagpapahalaga ni Mayor Ma. Cristina C. Angeles ang mga retiradong pulis at sundalo ng lungsod sa ginanap na paggunita ng 5th Founding Anniversary ng Association of AFP and PNP Retirees of Tarlac., Inc. nitong Marso 20, 2018 sa San Miguel, Tarlac City..
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Mayor Cristy sa mahalagang kontribusyon ng mga retirado sa pagkakamit ng kapayapaan na tinatamasa ng kasalukuyang henerasyon at sa kanilang pagmamahal sa bayan bago ang sarili.
Sa pangunguna ng kanilang Presidente na si 2nd LT Morbin C. Obingque [Ret], binigyan ng mga retirado si Mayor Cristy, ng isang plake bilang pagkilala at pasasalamat sa tulong at suporta ng alkalde sa kanilang organisasyon.

Sa okasyon na dinaluhan ni San MigueI Punong Barangay Boyet Kanapi, ibinahagi ng butihing Ina ng lungsod ang kanyang mga programa tulad ng Aksyon Anghel 24/7, Angel Care 7-in-1 Program, libreng Botika para sa Taong Bayan, libreng mga bags at gamit pang-eskwela para sa mga elementary school pupils, at marami pang iba.
Hinikayat ng Alkalde ang mga retirado na patuloy na suportahan ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod para sa kapakinabangan ng mga Tarlaqueño at pag-unlad ng mga komunidad.

TARLAC CITY WEATHER

Latest Headlines!


March 26,2018

Dugo para sa mga pasyente

March 20,2018

Botcha Seized in paliparan market

March 19,2018

ANSWERED PRAYER

March 15,2018

TRIVIA THURSDAY

March 14,2018

Mayor’s Night sa Barangay Dalayap

March 13,2018

6-IN-1 ANGEL CARE PROGRAM