-->

Tarlac City bags gold in the 1st Paralympics 2018


Napuno ng tuwa ang pagdiriwang ng Kapistahan sa Barangay Dalayap, Tarlac City sa pagdating ni Mayor Cristy Angeles upang magdala ng pang-kulturang pagtatanghal at mga tulong at regalo para sa mga residente. Masisiglang awit, sayaw at mahahalagang premyo ang pinagsaluhan ng daan-daang residente na sumalubong at nakiisa kay Mayor Cristy.

Dumalo at nakisaya din ang mga barangay officials at mga city councilors. Lahat ng 76 barangays ng Tarlac City ay bibisitahin ni Mayor Cristy bilang bahagi ng pagsisikap ng ating butihing Ina ng Lungsod na lalo pang maging malapit ang lokal na pamahalaan sa mga residente ng mga barangay at upang malaman at matugunan ang kanilang mga problema, kahilingan at mga opinyon.