RICHARD ‘RICKY’ DIOLAZO

“KAIBIGAN NG MAMAMAYAN”

Kaibigan ng mamamayan, ang mga katagang naaayon para kay Konsehal Richard “Ricky” Diolazo lalo na sa ating mga nakatatandang mamamayan sa Lungsod ng Tarlac. Hindi nagdadalawang isip na tumulong ang konsehal.
Nagsisikap siyang patibayin ang mga programang nagsisiguro sa kaligtasan ng mga Tarlakenyo. Kapayapaan at kaayusan sa siyudad ang adhikain ng konsehal kaya akma sa kanya ang pagiging tagapamuno ng kanyang mga komite sa Sangguniang Panlungsod.