PEPITO ‘ABEL’ BASANGAN

“KAIBIGAN NG MGA MAGSASAKA AT MANGGAGAWA”

Tahimik ngunit maagap– iyan ang mga akmang salitang makakapaglarawan kay Konsehal Abel Basangan. Ngunit sa kabila ng mga katangiang ito, masigasig ang Konsehal pagdating sa pagpapatuloy at pagpapalawak ng mga programang pang-agrikultura at kooperatiba.

Siya ay binansagang kaagapay ng mga magsasaka at mga manggagawa dahil sa pagbibigay nito ng dedikasyon sa atas sa kanya bilang tagapamuno ng kanyang mga kometiba.