GLENN TROY ‘TIBO’ CARITATIVO

“TANYAG SA GAWAING LEHISLATURANG PANLOKAL”

Maraming pagkakataon na ginawaran si Konsehal Glenn Troy Caritativo ng pagkilala sa kanyang papel na ginagampanan sa Sangguniang Lungsod mula pa noong siya ay magsimula sa larangan ng pulitika.

Kinilala ang konsehal sa dami ng inakdang ordinansa, sa pagiging mahusay sa larangan ng sports, at sa kanyang talino lalung-lalo na sa pagresolba sa suliraning transportasyon at trapiko. Dahilan ito ng bansag sa konsehal na “Tibo, laging aktibo”.