DIOSDADO ‘JOJO’ BRIONES

“BATIKANG MAMBABATAS”

Ang karanasan ni Konsehal Diosdado ‘Jojo’ Briones sa larangan ng pulitika at galing sa pagbabalangkas ng mga ordinansa ang tumatak sa mga mamamayan ng lungsod.

Isa sa pinakamahalagang papel na kanyang ginampanan bilang bise alkalde ay nang maging syudad ang kabisera ng Tarlac noong taong 1998. Ang kanyang paninilbihan ay malimit na nagbubunga ng magandang katugunan mula sa kanyang mga kababayan.