CHRISTOPHER ‘TOPEY’ DELOS REYES

“BATANG TARLAQUEÑO”
Si Konsehal Christopher Delos Reyes ay tinagurian bilang representante ng kabataan dahil sa kanyang mga panukala para sa pagsulong sa kapakanan ng mga batang Tarlaqueno.

Bago pa man maging konsehal, kinakitaan na ng galing sa pamumuno ang konsehal mula ng maging SK Chairman ng Brgy San Miguel noong taong 1996 hanggang 2002. Patunay rito ang mga parangal na iginawad sa kanya bilang katangi-tanging modelo sa mga kabataan.