ANA A. AGUAS

“TINIG NG KABABAIHAN”

Si Konsehal Ana A. Aguas ay tanyag sa kanyang malakas na tinig upang sumagisag sa katapangan at paninindigan ng mga kababaihan at mga manininda sa palengke.

Malakas ang paniniwala ng mga Tarlakenyo sa kanyang kakayahan sa tapatang pagpapahayag sa karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsulong sa kanyang mga pinamumunuang komite sa Sangguniang Panlungsod.