Kaakibat ng hinaharap na hamon sa banta ng COVID-19, tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng Dengue Misting upang maiwasan ang pagtaas ng dengue cases sa lungsod.

Ngayong linggo, sa utos ni Mayor Cristy Angeles magkatuwang ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Environmental Health and Sanitation Unit ng City Health Office (CHO) sa pagsasagawa ng misting sa mga sumusunod na barangay:

Burot, San Francisco, San Nicolas, San Juan de Mata, San Carlos at San Manuel

Muling paalala ni Mayor Cristy, malaking tulong ang pagpapanatili ng kalinisan upang masugpo at maiwasan ang panganib na dulot ng lamok na may dalang dengue. Hinihikayat ang bawat Tarlakenyo na makipagtulungan sa ating mga programang pangkalusugan.

Categories: News

0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *