Kilalanin natin si Editha Bulaon isang kawani ng City Government of Tarlac mula sa Brgy. San Pascual.
Labing anim na taong volunteer si Edith bilang isang health worker. Gamit ang kanyang husay at karanasan, nabigyan siya ng pagkakataon ni Mayor Cristy Angeles na makatulong sa mas marami pa nating kababayan.
Tulad ni Mayor Cristy, tunay na kahanga-hanga ang dedikasyon ni Edith sa kanyang trabaho.
“Nagpapasalamat po ako sa tulong at tiwala ni Mayor Cristy. Dahil sa kanya kinakaya natin ang trabaho. Gamit po ang aking karanasan , tinutulungan po natin ang mga taga-Tarlac City na mailapit sa iba’t ibang ahensya ang kanilang hospital bills.
Bilin po ni Mayor Cristy katulad po ng pangangalaga ko sa aking pamilya, andito po ako para tulungan kayo. ”
-Editha Bulaon, Brgy. San Pascual
Admin Aide III CHO

Categories: News

0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *