#DISIPLINASAKALSADA: Para sa maayos at ligtas na kalsada, regular at walang patid ang pagsasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ng operasyon kontra traffic violators.


Umarangkada ang Public Order and Safety Office – Traffic Management Unit (POSO-TMU) sa kahabaan ng MacArthur Highway at Hilario Street ngayong araw, ika-3 ng Marso 2021 upang tiyakin na nasusunod ang mga nakalatag na alituntunin at patakarang pangtrapiko at pangkaligtasan.
Nagsagawa ng Inspection ng LTFRB Special Permit at Trip ticket. Ilan din sa mga nakitang paglabag ay ang mga sumusunod:

  • Disregarding Traffic Lights
  • Driving Without License
  • Colorum Tricycle
  • No Helmet
  • No Side Mirror
  • Modified Muffler

Sa kabila ng pandemya, disiplina pa rin ang higit na kailangan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Asahan ang patuloy na gabay at pinaigting na pagpapatupad ng mga regulasyon at batas trapiko.

Categories: News

0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *