Suportado ni Mayor Cristy Angeles ang mga programa at kooperatiba sa pagpapalago ng sektor ng agrikultura bilang ito ay isang malaking sanhi ng pag-angat ng lokal na ekonomiya dito sa ating lungsod.Isa na rito ang Balanti Farmer’s Market, kung saan nailalapit ang mga sariwa at organikong produktong gawa sa Tarlac City. Maliban sa mga produktong ipinagmamalaki ng Balanti ay tampok din sa darating na Sabado, ika-27, 2020 ang red rice, tuyo at gatas kalabaw, shabu-shabu at samgyeopsal at Kajjo’s.Halina’t bisitahin ang Balanti Farmer’s Market at tangkilikin ang sariling atin!Maaaring bisitahin ang Farmer’s Market tuwing ikalawa at ika-apat na Sabado ng bawat buwan 6:00 AM to 12:00 NN sa Balanti Dike, Brgy. Balanti, Tarlac City. Photo courtesy of Balanti Farmers Market (Tarlac).

#TarlacCityInformationOffice

#MagkaisaBawatOrasSamaSama

Categories: News

0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *