#DISIPLINAMUNA: Walang patid ang isinasagawang clearing operation ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng DILG, na linisin ang mga lansangan at maibalik sa taumbayan ang mga kalye at kalsada.Sa pinagsanib na pwersa ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), City Economic and Enterprise Management Office (CEEMO), Public Order and Safety Office (POSO) at Tarlac City PNP, nagpatuloy ang maigting na clearing operation sa kahabaan ng F. Tañedo St., Rizal St. Poblacion, Zamora St. San Roque, Lazatin Subdivision Ligtasan, San Nicolas Mac Arthur Highway, at Bypass Road San Vicente kasama ang ilang parte ng kalsada sa lungsod kung saan isinaayos ang mga establisyementong lumampas sa kanilang nakalaang area, nakahambalang na mga sasakyan, basura at anumang obstruksyon sa daan.Hinihikayat ang pakikiisa ng bawat residente ng lungsod upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa ating lungsod.

Categories: News

0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *