Alinsunod sa City Ordinance No. 029-2020 Series 2020, maaari nang magsadya sa ating bagong automated One Stop Application Center (OSAC) para sa pagproseso at pagkuha ng mga sumusunod:

  • HEALTH CERTIFICATE
  • SANITARY PERMIT
  • MAYOR’S CLEARANCE
  • POLICE CLEARANCE

Layunin ng OSAC ang mabilis at maginhawang pagproseso ng mga nasabing dokumento. Hinihikayat natin ang mga aplikante, employers at mga opisina ng pamahalaan na gamitin ang ONLINE APPLICATION & DOCUMENT VERFICATION SYSTEM:

POLICE CLEARANCE:

www.epi-clearance.com/police/tarlaccity

HEALTH CERTIFICATE / SANITARY PERMIT:

www.epi-clearance.com/health/tarlaccity

MAYOR’S CLEARANCE

www.epi-clearance.com/mc/tarlaccity

Magkakaroon tayo ng karagdagang bayad P100.00 pa Health Certificate Sanitary Permit at Mayor’s Clearance. Ang lahat ng dokumento ay secured at digitized at hindi niyo na kailangang magpakuha ng litrato sa labas at magpa-laminate ng card. Maaari nang mag-print sa inyong bahay o computer shop ng karagdagang kopya ng Police Clearance Certificate, Health Certificate, Sanitary Permit at Mayor’s Clearance Certificate (period of validity) kung kinakailangan.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon.

Ibayong pag-iingat sa lahat!
#MagkaisaBawatOrasSamaSama

Categories: News

0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *