1. Sino po ang pwedeng magparehistro sa Electronic Immunization Registry at sino ang pwedeng mapabakunahan?

SAGOT: Ang mga residente ng Tarlac City edad 18-59 taong gulang ang maaaring magparehistro at mabakunahan. Ang mga Senior Citizens (edad 60 pataas) ay isa sa mga prayoridad na bakunahan ng National Government.

2. Sapilitan po ba ang pagpapabakuna ng Anti COVID-19 Vaccine?

SAGOT: Boluntaryo po ang pagpapabakuna. Ang bawat kwalipikadong mabakunahan ay pipirma ng katunayan na kumpleto at tama ang kanyang impormasyong ibinigay at kusa at walang pag-aalinlangan ang kanyang pagpapabakuna.

3. Libre po ba ang registration at ibibigay na bakuna sa mga gustong magpabakuna?

SAGOT: Opo, ang parehong registration at mismong bakuna ay kaloob ng Tarlac City Government sa mga kwalipikado at may gusto nito nang LIBRE o WALANG BAYAD.

4. Ano po ang brand ng gagamiting bakuna at magkano po ito?

SAGOT: Wala pang specific brand sa ngayon dahil masinsinan pa ang pag-aaral sa tripartite agreement na mas makabubuti sa ating siyudad. Hinihintay rin ang guidelines mula sa Department of Health at Food and Drug Administration. Tinitiyak ng Tarlac City Government na epektibo at ligtas ang bakunang gagamitin.

5. Ano po ang mga valid ID na tatanggapin?

SAGOT: Ang mga sumusunod ang acceptable PRIMARY valid ID:

– Commission on Elections (COMELEC) Voter’s ID/ COMELEC Voter’s Record
– Passport
– Social Security System (SSS) Digitized ID
– SSS/ Government Service Insurance System (GSIS) Unified Multipurpose Identification Card (UMID)
– Professional Regulatory Commission (PRC) ID
– Seaman’s Book (Seafarer’s Identification & Record Book)
– Philippine National Police (PNP) Firearms License

Kahit ISANG PRIMARY ID lamang ay pwede na.

SAGOT: Ang mga sumusunod ang acceptable SECONDARY valid ID:
-Alien Certificate of Registration
-Company ID card
-Certificate of
-Confirmation Issued by National Commission on Indigenous People -Certificate of Licensure/ Qualification Documents from MARINA
-Certificate of Naturalization
-Fishworker’s License issued by Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
-Health or Medical Card
-ID card issued by LGUs (e.g. Barangay/ Municipality/ City)
-ID card issued by professional association recognized by PRC
-Land Transportation Office (LTO) Driver’s License
-Life Insurance Policy of member
-Marriage Contract/ Marriage Certificate
-Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)/ Integrated department of Labor and Employment (DOLE) Card
-NBI Clearance
-PAG-IBIG TRANSACTION CARD/ MEMBER’S DATA FORM
-Phil Health ID card/ Member’s Data Record
-Police Clearance
-Philippine Postal ID (issued November 2016 onwards)
-School ID card
-TIN Card
-Transcript of Records

Kailangang DALAWANG SECONDARY ID ang isumite.

Categories: Announcement

0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *