ANGHEL BAKUNA LABAN SA COVID-19: Binuo ni Mayor Cristy Angeles ang Technical Working Group para sa programang “Anghel Bakuna Laban sa COVID-19” sa bisa ng Executive Order No. 002, series of 2021. Sa kanilang pulong ngayong araw, ika-14 ng Enero 2021, binalangkas ang mga paghahanda para sa pagbibigay ng bakuna sa mga residente ng Tarlac City.

Kasalukuyang hinihintay ang mga guidelines sa pagbili ng vaccine, pagbibigay nito at iba pang mahahalagang panuntunan at kundisyon, mula sa Department of Health, Commission on Audit, at COVID-19 Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases. Gayunpaman, babalangkasin na ng Tarlac City Government ang mga plano at hakbang para sa mass vaccination.

Sa darating na mga araw ay ilulunsad ang isang electronic immunization registry. Sa pamamagitan ng QR code system at web-based program, makakapagrehistro ang mga nais mabakunahan nang boluntaryo at walang pag-aalinlangan.

Pinasisimulan na rin ni Mayor Cristy ang training ng mga awtorisadong magbigay ng bakuna. Tinalakay rin ang mga kakailanganin tungkol sa nasabing vaccination tulad ng transportation and storage, distribution deployment, assessment at monitoring.

Tunay ngang hindi pa rin nagpapakampante ang Tarlac City Government sa mga hakbangin nito para masigurong ligtas ang mga Tarlaqueño mula sa nakababahalang virus. Hindi rin tumitigil si Mayor Cristy sa pagpapaalala sa mga kababayan na sumunod sa mga health at safety protocols.

Categories: News

0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *