Ipinabatid ni Mayor Cristy Angeles ang kahandaan ng City Government ukol sa pagbaba ng COVID vaccine gayundin ang mga plano at mga hakbang sa pagdating nito para sa mass vaccination na magaganap sa ating lungsod.

Inihahanda na ang 76 na barangays sa paglunsad ng isang electronic immunization registry sa pamamagitang ng QR code system at web-based program para sa mga nais mabakunahan.

Paalala ng Ina ng lungsod na ang pagtanggap ng bakunang ito ay libre at kusang ibibigay sa mga nais mabakunahan.Samantala, tinalakay ni City Local Government Operations Officer Engr. Robert Diola ang ilang direktiba ng Department of the Interior and Local Government partikular ang road clearing operations. Isang Greenhouse Project para sa mga barangays ang ikinatuwa ni Mayor Cristy dahil sa magandang maidudulot ng naturang proyekto na libreng handog ng Rise and Rebuild Foundation. Mayroon ding proyekto ang Smart Communications para sa mga online gamers. Nagbigay rin ang Philippine Statistics Authority ng updates ng kanilang mga program.

Ngayong araw, ika-14 ng Enero 2021 ang kauna-unahang Liga ng Barangay Assembly sa taong ito na pinamumunuan ni ABC President-Councilor Winston Torres.

Categories: News

0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *