YEAR-END BENEFIT 2020

YEAR-END BENEFIT 2020: Bilang pagpapakita ng pagpapahalaga at pasasalamat sa isa sa mga importanteng sektor ng lipunan, sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, na may tunay na serbisyong publiko at direktang tulong na natatanggap ang ating mga senior citizensNgayong ika-1 ng Disyembre, personal na inihatid ng mga kawani ng City Government ang Year-End Benefit sa tahanan ng mga senior citizens na walang kakayahang makapunta dahil sila’y hindi makatayo o may karamdaman. Dumayo ang grupo sa Barangay Lourdes, Cut-Cut II, Mapalacsiao, Balete, Bantog, Maligaya, Sapang Tagalog, Balingcanaway, San Jose Burot, San Francisco, Atioc, Armenia, Paraiso, Ungot, Banaba, Salapungan at Sto. Cristo na parte ng pagbibigay kalinga ang pinaagang benepisyo sa ating mga nakatatanda.Ang nasabing benepisyo na nagkakahalaga ng P500.00, mula sa P300.00 na dating ibinibigay, ay tinatanggap ng higit kumulang 38,000 na mga senior citizens taon-taon. Bukod dito, tumanggap din ang mga senior citizens ng vitamins upang palakasin ang kanilang resistensya na panlaban nila ngayong panahon ng pandemya.

Leave a Reply