Sa dalawang magkasunod na taon, natanggap ng Tarlac City ang Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Award.

Muling kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang maigting na mga hakbangin ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac, sa ilalim ng liderato ni Mayor Cristy Angeles, laban sa ilegal na droga sa isinagawang ADAC Performance Audit para sa taong ito. Mapalad ang Tarlac City dahil sa sama-samang pagpupursige at dedikasyon sa mga tungkulin ng Tarlac City ADAC, kabilang ang ating lungsod sa 52 local government units (LGUs) na nakatanggap nito sa buong Region III at 10 LGUs naman sa buong Probinsiya ng Tarlac.

Matatandaan na nakamit din ng Tarlac City ang ADAC Performance Award para sa taong 2019.

Patuloy ang pagsisikap ni Mayor Cristy Angeles at ng mga miyembro ng Tarlac City Anti-Drug Abuse Council upang patuloy na mapagtagumpayan ang laban sa ilegal na droga.

Categories: News

0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *