Badjao Rescue

Bukas ang City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles na magbahagi ng tulong sa mga kapatid nating Badjao na kasalukuyang narito sa lungsod upang manlimos sa lansangan. Bilang tugon sa mga natatanggap na concerns tungkol dito, isang operasyon ang isinagawa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) nitong nakaraang Lunes, ika-23 ng Nobyembre 2020, sa Uniwide area at katabing mga lugar na pinagtayuan ng pansamantalang tirahan. Sila ay inihatid sa kanilang tahanan sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Matatandaan na nagsagawa na ng kahalintulad na operasyon ang CSWDO bago pa man matanggap ang reklamo tungkol dito. Sa direktiba ni Mayor Cristy, hindi titigil ang CSWDO sa regular monitoring na isasagawa upang masiguro na hindi sila mapahamak at maging ligtas sa banta ng pandemya.

Leave a Reply