Angel Portal Ecosystem Project

Good news! Umarangkada na ang Angel Portal Ecosystem Project!Ito ang kauna-unahan Smart City sa buong Region III na layong irehistro ang bawat residente ng lungsod sa Angel Portal Application na magbibigay-daan sa mas mabilis at convenient na mga transakyon sa City Government.Mas mapapadali rin ang paghahatid ng serbisyong publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng agarang pagpapaabot ng mga concerns tungkol sa traffic, basura, emergency at iba pa.Lahat ng rehistradong Tarlakenyo ay magkakaroon ng access sa Medical self-assessment at reporting tool, 911 Emergency, Health Record Management, Disaster Monitoring and Early Warning System, Traffic Management System at mas mahusay na COVID-19 contact tracing. Sinisiguro naman ang privacy ng datos na makukuha mula sa publiko. Isang oath ang nilagdaan ng mga miyembro ng CRIS-T na nagsasaad na gagamitin lamang ang nakuhang datos para sa layunin ng proyekto at mananagot kung may paglabag dito base sa probisyon ng Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012. Bukod dito, ang lokal na pamahalaan ay tatalima sa probisyon ng Data Privacy Act na magtatalaga ng Data Protection Officer na may tungkuling siguraduhin ang privacy at proteksyon ng nalikom na datos.Sama-sama tayong makilahok sa pag-unlad ng teknolohiya sa lungsod ng Tarlac! Magparegister na! Abangan ang mga data gatherers na kabilang sa Citizen Registration Information System-Team o CRIS-T sa inyong barangay.

Leave a Reply