PAGLILINAW UKOL SA ALCOHOL CONSUMPTION BAN

Nais po naming bigyang linaw ang ALCOHOL CONSUMPTION ban na sinimulang ipatupad sa ating lungsod noong September 25:

1. Ang ipinagbabawal ay ang PAG-INOM ng alak sa SOCIAL GATHERINGS o sa mga PAGTITIPON sa mga PAMPUBLIKONG LUGAR.

2. Hindi bawal ang bumili ng alak o ang pag-inom nito sa loob ng inyong sariling tahanan kung ikaw ay mag-isa lamang iinom o kasama ang mga nakatira sa inyong bahay.

Para sa kaalaman ng lahat, ang prohibition na ito ay ipinatupad upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, sa pakiusap na rin ng mga Punong Barangay ng Tarlac City, dahil ayon sa assessment na ginagawa ng mga contact tracers at barangay health workers, marami sa mga bagong confirmed COVID-19 cases ay maaaring nahawa dahil sa mga kumpulan at sa mga inuman o drinking sprees.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang alak ay may epekto sa kilos at pag-iisip ng isang tao. Ang impluwensya ng alak ay maaaring magbunga sa pagkalimot ng physical distancing at iba pang health protocols, na mapanganib kung mangyayari sa isang social gathering o group drinking.

Layunin ng Tarlac City IATF sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, sampu ng mga Punong-Barangay ng Lungsod, ang mapangalagaan ang kalusugan ng lahat at masugpo ang pagkalat ng COVID-19 sa ating Lungsod. Nakakalungkot ang dumadaming confirmed COVID-19 cases ngayon, kaya naman hindi tumitigil ang Tarlac City IATF sa pagpapaigting at pagpapatupad ng mga protocols.

Maraming salamat po sa mga nagpaabot ng kani-kanilang mga katanungan at feedback! Ang mga ito po ay nakakatulong upang mas lalo pang mapabuti ang ating paggawa ng mga alituntunin.

Tayo ay magkaisa at bawat oras ay magsama-sama kontra COVID-19!

Maraming salamat po!

Leave a Reply