Pagbibisikleta sa Central Luzon Link Expressway (CLLEX), Mahigpit na Ipinagbabawal

Ayon sa rekomendasyon ng Tarlac City Anti COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF) upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibisikleta sa Central Luzon Link Expressway (CLLEX) simula ngayong Miyerkules, September 23, 2020.

Napag-alamang ilan sa pinakabagong pasyente na Covid positive ay nahawa matapos makihalubilo sa mga kumpulan ng ibang nagbibisikleta sa CLLEX na nagresulta din sa pagsasagawa ng isang komplikado at malawakang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga pasyente.

Bagaman hindi ipinagbabawal ang pagbibisikleta sa ibang mga lugar, hinihimok ang lahat na umiwas sa anumang kumpulan at panatilihin ang safe physical distancing sa lahat oras.

Leave a Reply