Mayor Cristy, tumanggap ng parangal sa kanyang pagtulong sa mga magsasaka

Binigyan ng parangal ng Department of Agrarian Reform si Mayor Cristy Angeles sa kanyang ibinigay na tulong at suporta sa mga magsasakang benepisaryo ng reporma sa lupa. Ang parangal ay iginawad sa pagdiriwang ng pangtatlumpung [30th] anibersaryo ng pagpapatupad sa Comprehensive Agrarian Reform Program na ginanap sa Bulwagang Kanlahi, Diwa ng Tarlak, San Vicente, Tarlac City nitong Hulyo 3, 2018. Binigyan ng pagkilala si Mayor Cristy sa kanyang mahalagang suporta at kontribusyon para maiangat ang buhay ng mga agrararian reform beneficiaries at maging katuwang sila sa pagbabago ng kanilang mga komunidad at pag-unlad ng kanayunan. Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng humigit-kumulang 500 magsasaka ng lalawigan at mga opisyales ng Department of Agriculture at DAR at sa pangunguna ni Provincial Agrarian Reform Officer Ileona Pangilinan