Comelec Registration

Maari na po muling magparehistro sa COMELEC mula HULYO 2 hanggang SETYEMBRE 29, 2018. Maliban sa pagpaparehistro ng mga bagong botante, maari na ring magpalipat o muling magpalista [reactivate], magpa-correct ng impormasyon o muling ipasama ang inyong pangalan sa Voters’ List. Bukas po ang COMELEC Tarlac City mula Lunes hanggang Sabado, alas-otso ng umaga [8:00 AM] hanggang alas-singko ng hapon [5:00 PM]- COMELEC Resolution No.10392. Para lamang sa mga 18 taon pataas bago or sa Mayo 13, 2019, ang rehistrasyon. Magdala ng isang [1] valid ID na nakalagay ang inyong address. Magdala ng birth certificate kung may papalitan sa datos ng inyong rehistrasyon. Hinihikayat po ang lahat na magpa-rehistro ng maaga para maiwasan ang pagmamadali sa araw ng deadline.