READ: Mayor Cristy Angeles’ official statement on the recent carnapping incidents that occured in some barangays in Tarlac City.

Mayor Cristy Angeles is actively coordinating with the Tarlac City Police Station to ensure the safety of all residents of Tarlac City.

MENSAHE UKOL SA MGA INSIDENTE NG PANLOLOOB AT CARNAPPING

Nitong mga nakaraang linggo, may apat na insidente ng karahasan ang bumalot sa ating Lungsod, kasama na rito ang mga insidente ng panloloob, carnapping at pagtatangka sa buhay ng mga kababayan nating biktima.

Walang tigil ang lahat ng ating Police Community Precincts, Provincial Highway Patrol Group, Tarlac Provincial Crime Laboratory Office, mga karatig Municipal Police Stations, Alert Teams at Intelligence Units upang mabigyan ng nararapat na aksyon ang mga nangyaring krimen.

Dalawa sa apat na insidente, nahuli na ang isa sa mga pangunahing suspek at nakapaglabas na ng warrant of arrest sa mga kasabwat nito.

Tuloy-tuloy din ang ginagawang imbestigasyon ng lahat ng pinag-sanib pwersa ng buong lalawigan para maiharap ang mga suspek sa batas at bigyang katarungan ang mga nabiktima.

Nakakalungkot isipin na may mga dayo dito sa Tarlac City para maghasik ng kasamaan. Ang ilan sa mga suspek ay kabilang na sa watch list ng ating kapulisan at tinutugis din sila sa kanilang probinsyang pinanggalingan.

Magdaragdag tayo ng police visibility sa buong Lungsod para maiwasan na ang mga ganitong klase ng pambubulabog sa ating katahimikan.

Hinding hindi tayo titigil hanggat hindi nabibigyan ng hustisya ang mga biktima pati na ng kanilang mga pamilya.

Patuloy tayong magkaisa laban sa masasamang loob sa ating lipunan.