MGA TRIBAL LEADERS SA SITIO PAQUILLAO, CARE
NANUMPA SA TUNGKULIN

TARLAC CITY (CIO) – Sumumpa sa tungkulin nitong Mayo 8, 2018 ang mga bagong halal na tribal leaders ng Sitio Paquillao, Barangay Care sa opisina ni National Commission on Indigenous Peoples Provincial Officer Melencio Polon.

Malakas na suporta ang ibinibigay ni Mayor Cristy Angeles sa nasabing komunidad na siyang kaisa-isang sitio ng mga katutubong Abelling sa Lungsod ng Tarlac na pinamumunuan ngayon ng bagong halal na Tribal Chieftain na si Bernie Pantaleon.

Ginanap ni Mayor Cristy sa Sitio Paquillao ang ispesyal na Barangayan para sa mga katutubo na iba pa sa ilulunsad para sa buong Barangay Care.

Nagpahayag ng pasasalamat at suporta sa butihing Ina ng Lungsod ang mga bagong halal na tribal leaders sa pamumuno seremonyang dinaluhan ni Virgilio Gomez, kinatawan ni Mayor Cristy at pinuno ng City Economic Enterprises Management Office.