Hindi kinukunsinte ni Mayor Cristy Angeles ang kawalan ng disiplina kahit pa Holiday Season. Bunsod nito, walang puknat ang clearing operations na isinasagawa ng Angel Clean Up Drive Team na binubuo ng POSO, CTTMG, CDRRMO, CENRO, at ni Atty. Numer Lobo, City Administrator, sa palengke at mga sidewalks.

Naging talamak ang pasaway na manininda sa mga sidewalks na siyang naging dahilan ng kawalan ng kaayusan, pagdami ng basura at mabigat na trapik.

Sa ngalan ng serbisyo publiko, wala ring Christmas Break ang mga kawani ng nasabing grupo upang matiyak na maipatupad ang batas sa trapiko at tamang pagtatapon ng basura.

Hindi tatantanan ng pamahalaang lungsod ang pagbabantay upang masiguro na matiwasay ang ating Pasko at pagsalubong sa bagong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.