Ngayong ika-pitong araw ng Proyektong Upgrading of Drainage sa Manila-North Road ay umabot na sa hanggang main entrance sa harap ng SM ang isinasagawang initial construction activities.

Dahil dito, ang LOADING and UNLOADING AREA for PUJ’s and busess na northbound ay sa harap ng Petron Gasoline Station at for southbound vehicles ay sa harap ng Metrobank.

Samantala, para makaiwas sa daloy ng trapiko dito,
heto pa rin ang mga alternate routes ng LIGHT VEHICLES:

1. Ang mga manggagaling ng Zamora Street patungong South ay maaaring dumaan sa likod ng SM palabas Southern Bypass Road pakaliwa papuntang SOGO Hotel at palabas na sa Highway

2. Ang mga manggagaling sa Western area (San Jose, Camiling, etc.) ay maaaring dumaan mula San Vicente patungo sa Tarlac Provincial Hospital Drive at sa Southern Bypass Road palabas Highway

3. Ang mga manggagaling Tarlac-Sta. Rosa Road (galing Metrotown, Maliwalo etc.) ay maaaring dumaan sa Marketview Subd. (sa kanto ng Maliwalo) patungong GETHA Road palabas sa San Sebastian patungong Highway.

Ang pa-southbound light vehicles ay pwede ring pumasok ng SM then exit sa may footbridge.

Hinihingi natin ang paunawa at pakiisa ng lahat sa magiging traffic situation na bunga ng magandang proyektong ito na magtatagal ng hindi bababa sa 7 buwan. Hindi bale, oks naman po ang lahat pagkatapos nito.

Ito ay isang proyekto ng Department of Public Works and Highways na makatutulong sa flood mitigation upang maibsan ang problema sa pagbaha dito sa ating syudad. Naging posible ito dahil sa maigting na pakikipag-ugnayan ni Mayor Cristy Angeles para maisakatuparan ang proyekto.

Magkaisa, Bawat Oras, Sama-sama! Maraming salamat po sa pang-unawa at pakikiisa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.