Isang panibagong buhay ang sinumpaan ng tatlumpu’t isang drug surrenderees (3rd batch), barangay Matatalaib at San Isidro na nagtapos ngayong ika-19 ng Nobyembre 2019.

Nagbigay ng inspirational message si Mayor Cristy Angeles sa mga nagsipagtapos sa programang “Hakbang Anghel Tungo sa Magandang Buhay” batay sa Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy ng Dangerous Drugs Board na nagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) Week na may temang, “Katarungan para sa Kalusugan, Kalusugan para sa Katarungan” ngayong ika-17 hanggang 23 Nobyembre 2019.

Aniya, “Habang may buhay tayo ay may pag-asa. It’s never too late to change. Isuko lang natin ang buhay natin sa Panginoon and let us start moving with God.”

Binati rin ng Ina ng Lungsod ang mga nanumpa na nagsipagtapos at nanguna sa paggawad ng Certificate of Completion sa naganap na drug reformation program.

Leave a Reply

Your email address will not be published.