Ipinag-utos ni Mayor Cristy Angeles ang pagbuo ng Tarlac City nCov Task Force na agad na kikilos upang maiwasan ang pagkalat ng nakababahalang 2019 nCov o mas kilala bilang Corona Virus.

Ang naturang task force ay mahigpit na susunod sa mga protocol at patakaran ng Department of Health (DOH) at magbigay ng full cooperation sa kanila at ibang ahensya ng gobyerno sa mga usaping ukol sa sikat na virus.

Ipinag-utos ni Mayor Cristy na ang mga ospitals at clinic dito sa syudad, maging pampubliko man o pampribado, ay magbigay ng impormasyon direkta sa kanyang opisina o sa pamamagitan ng Aksyon Anghel Hotlines.

Bilin din ni Mayor Cristy na magbigay sa publiko ang City Government of Tarlac ng mga kaukulang mga advisory o precautionary measures at ng mga impormasyon tungkol sa guidelines na ipinatutupad ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sanhi ng corona virus at pagkalat ng maling impormasyon.

vKaugnay nito, pinapayuhan ng Ina ng Lungsod na maging kalmado ang lahat at magtiwala na ginagawa ng City Government of Tarlac ang mga nararapat na hakbangin upang mapigilan ang paglaganap ng virus at maging ligtas ang ating syudad sa anumang magiging negatibong dulot ng pagkalat ng corona virus. Hinihikayat niya na sumunod tayo sa strict precautionary measures upang maging ligtas. Higit sa lahat, hinihiling din nya ang bawat Tarlakenyo na mas mataimtim pa ang ating mga panalangin at magkaisa, bawat oras, sama-sama.

Leave a Reply

Your email address will not be published.