Hinikayat ni City Mayor Cristy Angeles ang bawat kawani ng gobyerno na magkaroon ng hangarin para sa mas maayos na lungsod ngayong umaga sa Flag-raising Ceremony ng pamahalaang lungsod na pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office.

Kinilala ng Alkalde ang nakamit ni Police Lieutenant Colonel Joel M. Mendoza bilang Outstanding Senior Police Commission Officer (PCO) of the Year sa buong probinsiya ng Tarlac. Kabilang din ang Tarlac City Police Station bilang Outstanding Police Station of the Year (Type A category). Ang nakamit na pagkilala ay tungo sa mas ligtas at maayos na lungsod.

Kinilala rin ngayong umaga ang tagumpay ng San Pedro Chorale of the San Sebastian Cathedral sa naganap na 44th Sumatra International Choir Competition nitong Agosto 27-31, 2019 sa Indonesia kung saan sila ay tinanghal na Grand Champion. Isang maikling pagtatanghal din ang kanilang ipinamalas ngayong umaga.

Ipinaabot din ni Mayor Cristy ang tagumpay ng Magkaisa Basketball Team na sasabak sa isang friendly match sa darating na September 18-24 sa Sichuan, China.

Ipinagkaloob din ngayong araw ang cheke na nagkakahalagang P100,000 sa Barangay Capehan bilang pondo sa kanilang cultural festivities.

Leave a Reply

Your email address will not be published.