Likas na mapagbigay si Ms. Katrina Angeles-Go, Chairman ng Kaisa Womens Organization (KWO) tulad ng kanyang ina na si Mayor Cristy Angeles. Pinili ni KT na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pamimigay ng mga food packs sa ating mga kababayan sa Brgy. Carangian, San Isidro, Tibag, Baras-baras at San Juan De Mata. Naging tradisyon na sa pamilya ni Mayor Angeles ang pamamahagi ng regalo tuwing araw ng kanilang kapanganakan. Bilin ng ina ng lungsod sa kanyang mga anak ang maging mapagbigay at ibahagi ang kanilang mga natatanggap na biyaya. Hindi naman ito kinalilimutan ng kanyang mga anak na apat na taon ng namamahagi ng food packs tuwing sasapit ang kanilang kaarawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.