Umarangkada na ang #OplanAnghelDisiplinaMuna ngayong gabi! Inisa-isa ng grupong naatasan dito ang mga establishments sa kahabaan ng Fairlane bypass road upang paalalahanan sila at bigyan ng kopya ng mga ordinansa dito sa syudad.

Sa utos ni Mayor Cristy Angeles, ipatutupad ng grupong kinabibilangan ng City Planning and Development Office (CPDO), Public Order and Safety Office (POSO), City Environment and Natural Resources Office (CENRO), Philippine National Police (PNP), sa ilalim ng gabay ni City Administrator Atty. Numer Lobo ang mga ordinansa na patuloy na magreresolba sa mga sitwasyong pangtrapiko, basura, palengke at ilan pang suliraning kaakibat ng mga ito.

Kabilang sa mga paalala sa mga may-ari o representative ng mga establishments na karamihan ay mga bar at restaurants ay ang pagbabawal sa labis at unreasonable na ingay mula sa mga ito. Reminder din sa mga ganitong klase ng establishments na huwag bentahan ng alak ang mga menor de edad, magtalaga ng designated smoking area, sumunod sa curfew sa pagbebenta ng alak at magkaroon ng business permit.

Kaugnay rin ang kilos na ito sa Programang Disiplina Muna ng Department of Interior and Local Government na sumusulong sa pagnanais na maging disiplinado ang mga Pilipino upang maging madali ang road to progress!

Magsilbing warning na rin ito sa mga nagbabalak maging pasaway!

Leave a Reply

Your email address will not be published.