Sa pagkumpas ni Mayor Cristy Angeles ay mas lalo pang pinaigting ang “Angel Clean Up Drive.” Pinagtuunan naman ng pansin ang mga eskinita sa papasok ng mga barangay. Partikular na isinaayos ang eskinita sa Brgy. San Vicente kung saan nadiskubre ang isang alternatibong daan patungo sa isa sa mga ospital sa lungsod. Iwinaksi ang mga nakabalandrang sasakyan, manok at iba pa sa kalsada upang madaan ng publiko ang nasabing lugar. Upang lalong maibsan ang daloy ng trapiko, target ng grupo ni Atty. Numer Lobo, City Administrator na alisin ang lahat ng obstruction sa loob ng mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.