Ngayong araw, ika-21 ng Oktubre, nilagdaan at pinagtibay ang isang Deed of Usufruct sa pagitan ng David Family – na binubuo nina Ms. Elmina David-Fernandez, Mr. Serafin David, Jr., Mr. Jose Pablo C. David at ng mga tagapagmana ni Ms. Wivinia David-Esmundo na inirerepresenta ni Ms. Maria Regina Esmundo at ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac, sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles para sa 5.5 hektaryang lupa na matatagpuan malapit sa TSU Lucinda Campus. Ito ay gagamitin bilang isang eco-tourism park na siyang inilaan bilang tourist area at maaaring mapuntahan ng bawat Tarlaqueño na maarngi maipagmalaki ng Siyudad ng Tarlac. Ipinagkaloob din ng S.G. David Realty and Development Company, Inc. ang 6,150 sq. m. na lupa na matatagpuan sa Barangay Maliwalo at Ungot sa pamamagitan ng isang Deed of Donation.

Inanunsyo rin ng Ina ng Lungsod ang ating pagkamit ng Seal of Good Local Governance (SGLG) dahil na rin sa paggabay ni Engr. Robert Diola, ang City Local Government Operations Officer ng Department of Interior and Local Government at sa pagsusumikap at pagkakaisa ng bawat departamento at mga kawani nito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makamit ito ng siyudad at siyang patunay na may integridad at mahusay ang pamamahala ni Mayor Cristy kaagapay ang matibay na suporta ng Sangguniang Panlungsod at bawat departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac.

Kinilala rin ang panibagong Schools Division Superintendent na si Dra. Maria Carmen Cuenco, Assistant Schools Division Superintendent Dra. Michelle Mejica at Tarlac City Private Educational Institutions Association (TCPEIA) President Vicky Samson.

Ipinahayag din ang pagsisimula ng National Correctional Consciousness week (NACOCOW) 2019 ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Tarlac sa pangunguna nila JCINSP Bernabe Olsim at JINSP Cecilia Pangilinan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.