Iginawad ngayong araw, ika-26 ng Pebrero, ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac sa Pamahalaang Lungsod ng Tarlac, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, ang National Anti-Drug Abuse Council Performance Award sa Tarlac Provincial Capitol

Kasama ang Tarlac City sa labingdalawang (12) munisipyo na nagawaran ng nasabing parangal bilang pagkilala sa kanilang pambihirang pagganap sa kanilang tungkulin alinsunod sa Anti-Illegal Drug Campaign ng National Government at pagtamo ng 100 functionality points sa panahon ng pagsasagawa ng 2018 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit.

Dinaluhan ito nina City Local Government Operation Officer DILG-Tarlac City Engr. Robert C.Diola at City Accountant Roland Domingo bilang representante ng Pamahalaang Lungsod sa pagtanggap ng parangal na ito.

Tinalakay din ang Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) at hinikayat ang pagsali dito ng bawat Local Government Units (LGUs) at pagtalaga ng CMCI Focal Person na titingin at makikipagtulungan na mapabilis ang pagsumite ng kumpletong data requirements, paunlakan ang pangkat ng pagsusuri at obserbahan ang takdang oras sa pagpapasa ng kinakailangang impormasyon upang lalo pang maiangat ang ating ranggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.