Nagsagawa ng pagtitipon ang Liga ng mga Barangay, sa pangunguna ng kanilang ABC President na si Coun. Winston Torres, noong ika-10 ng Oktubre sa Tarlac City Hall Boardroom na kung saan kanilang pinagusapan ang iba’t ibang mga adyenda.

Tinalakay ang nalalapit na Barangay Moral Formation Program na isasagawa sa bawat barangay na siyang pokus ang bawat opisyales ng mga barangay at inilahad din ng Branch Head ng Land Bank of the Philippines TArlac Branch na si Mr. Victor Tagata ang mga serbisyong maaaring ibigay ng mga bangko sa bawat barangay

Inanunsyo din ni City Local Government Operations Officer Engr. Robert Diola ng Department of Interior and Local Government ang pagkamit ng Siyudad ng Tarlac sa Seal of Good Local Governance (SGLG) Award na siyang kauna-unahang nangyari sa kasaysayan ng lungsod. Ipinaalala din niya na patuloy nilang iikutan, kasama ni City Administrator Atty. Numer Lobo, ang bawat barangay upang siguraduhin na sumusunod sa adhikain ni Mayor Cristy Angeles sa isang mas malinis at mas maayos na siyudad

Nagkaroon naman ng diyalogo ang mga barangay officials sa Senior Citizens’ Affairs Office (OSCA) at sa mga opisyales ng Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines (FSCAP) ukol sa nalalapit na FSCAP elections.

Magkasama namang inilahad nila Coun. Emy Ladera, Coun. Vlad Rodriguez at ni Coun. Winston Torres ang isang draft ordinance na siyang magtatayo ng Barangay Human Rights Action Center (BHRAC) at magtatatag ng Barangay Human Rights Action Officer (BHRAO) sa bawat barangay at sa Astray (domesticated animals) Animals Ordinance

Leave a Reply

Your email address will not be published.