Tagumpay ang mamamayang Tarlakenyo dahil tinatayang higit sa P810,000 kada buwan na ang matatanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac simula ngayong araw mula sa tamang upa na dapat ibigay sa paggamit ng Puregold sa pwesto ng palengke na matagal na ipinagkait sa taumbayan.

Maituturing na maanomalya ang kontratang pinasok sa pagitan ni Ellen Te Ladarran at ng nakaraang administrasyon dahil sa pagpayag ng huli na paupahan ang kalahati ng Downtown Public Market sa kakarampot na halagang P70,000 lamang. Samantala ipinaupa ni Ladarran ito sa Puregold sa P700,000 kada buwan.

Ang tagumpay na ito ay nakamit dahil sa pakikipaglaban ni Mayor Cristy Angeles at sa masigasig na pagtutulungan ni Atty. Joselito Castro ng City Legal Office at ng mga kawani nito. Ipinagtanggol nila ang karapatan ng bawat Tarlakenyo na makinabang sa kita ng lokal na pamahalaan. Masasabi ngang muling nagtagumpay ang kabutihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.